Basta’t Kasama Kita
Artist: Dingdong Avanzado
Sa tuwing tayo’y magkakalayo
Hindi matahimik ang puso ko
Bawat sandali hanap kita
Di mapakali hanggang muling kapiling ka
Dahil kung ika’y makita na
Labis-labis ang tuwang nadarama
Magisnan lamang ang kislap ng iyong mata
Kahit ano pa ay kakayanin ko na
Chorus:
Basta’t kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa ‘yo
Basta’t kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa, basta’t kasama kita
Giliw, sana ay ikaw na nga
Ang siyang mananatiling kasama ko
Dahil kung ika’y mawawala
Pati lahat sa buhay ko’y maglalaho, ngunit…
Kapag kasama kita, lahat magagawa
Lahat ay maiaalay sa ‘yo
Basta’t kasama kita, walang kailangan pa
Wala nang hahanapin pa, basta’t kasama kita
(Repeat Chorus)
Walang kailangan pa, wala nang hahanapin pa
Basta’t kasama kita

