Ikaw Lang

Artist: Ogie Alcasid

Ikaw lang
Ikaw lang

Ikaw ang aking mahal
Iibigin ka magpakailanpaman
Ikaw ang nasa aking puso
Pagtingin sa iyo’y di magbabago

Kung bibigyan ako ng panibagong buhay
Sa iyo pa rin ako o giliw ko
Nais ko’y lagi kang nasa aking piling
Abutin man tayo ng takipsilim

Ikaw ang nagturo sa akin
Tibok ng puso’y di nililihim
Kung kaya ako ay pakinggan
Pag-ibig ko sa iyo’y ipaglalaban

Refrain:
Paikut-ikutin pa ang aking puso
Ikaw pa rin ang siyang laman nito
Nais ko ika’y laging yakap-yakap
Kailan mo ako matatanggap

Chorus:
Ikaw lang ang aking iibigin
Pagsamo sa iyo’y iyong dinggin
Kahit na aking uulit-ulitin
Malaman mo lamang ang damdamin
Nais ko ika’y laging yakap-yakap
Giliw ko ikaw ang pangarap

(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus 2x)

Ikaw lang
Ikaw lang
Ikaw ang pangarap
Ikaw lang

Related Song Lyrics...

Leave a Reply

*
Music - Top Blogs Philippines