Kasama Kang Tumanda

Artist: Vhong Navarro

Itong awiting ito ay alay sa ‘yo
Sintonado man ‘tong mga pangako sa ‘yo
Ang gusto ko lamang makasama kang tumanda

Patatawanin kita pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita pag nirayuma ka na
Oh kay sarap isiping kasama kang tumanda

Ibibili ng balot pag mahina na ang tuhod
Ikukuha ng gamot pag sumakit ang likod
Oh kay sarap isiping kasama kang tumanda

Sasamahan kahit kailan man
Mahigit kumulang ‘di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three-thousand one

Magmukha mang bruha pag gising sa umaga
Pupunasan ko pa ang muta mo sa mata
Oh kay sarap isipin kasama kang tumanda

Paglalaba pa kita matapos mamalantsa
Kahit abut-abutin man ako ng pasma
Oh kay sarap isiping kasama kang tumanda

Sasamahan kahit kailan man
Mahigit kumulang ‘di mabilang
Tatlumpu’t araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three-thousand one

Labs na labs pa rin kita kahit bungi-bungi ka na
Para sa ‘kin ikaw pa rin ang pinakamaganda
Oh kay sarap isiping kasama kang tumanda

At nangangako sa ‘yong pag sinagot mo’ng oo
Iaalay sa ‘yo buong puso ko
Sumang-ayon ka lamang kasama kang tumanda

Browse Other Mp3 Lyrics...

Leave a Reply

*
Music - Top Blogs Philippines