Kung Kailan Wala Ka Na
Artist: Jolina Magdangal
Bakit ba hindi ko pinansin ang pagtingin
Na inalay mo noon sa akin
Bakit pa hindi ko tinanggap at inangkin
Ang pag-ibig mong wagas at taimtim
Bakit ba ngayon ko lang nalaman talaga
Kung kailan wala ka na
Paano maibabalik ang kahapong nagdaan
Na matiyaga kang nariya’t naghihintay
Paano ba magagawang ang mali’y mapalitan
Nang hindi ka na tuluyang mawalay
Paano mababawi ang mga alaala
Kung kailan wala ka na
Refrain:
Kung kailan wala ka na
Ngayon ka pa hinahanap
Nangungulila sa t’wina
Ang puso kong nagpapanggap
Kunwari nga’y nakangiti
Ngunit talagang lumuluha
Ngayon ako’y nagsisisi
Kung kailan wala ka na
(Repeat 2nd stanza)
(Repeat Refrain)
Ano ang gagawin ng puso kong bigo
Na ngayon bihag na ng iba
At ako ngayo’y nag-iisa
(Repeat Refrain)
Kung kailan wala ka na
Kung kailan wala ka na

