Mahal Pa Rin

Artist: Sam Milby

Inaamin ko sa ‘yo ako’y nagkamali
Sana ako’y patawarin
Nagsisisi sa nagawang kasalanan,
Ngunit huli nang lahat
Ako’y nilisan mo
Pagmamahalan natin ay biglang naglaho

Chorus:
Ngunit ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin
Pilitin mang iwasan ka’y hindi ko magawa
Dahil ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin
Kahit lumipas na ang ating mga panahon
Pag-ibig ko sa ‘yo ay hindi nagbago
Dahil sa ika’y mahal pa rin, mahal pa rin

Maraming beses na kitang nasaktan
Sanay ako’y iyong pagbigyan
Nagsisisi sa nagawang kasalanan
Ngunit huli nang lahat
Ako’y nilisan mo
Pagmamahalan natin ay biglang naglaho

Chorus:
Ngunit ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin
Pilitin mang iwasan ka’y hindi ko magawa
Dahil ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin
Kahit lumipas na ang ating mga panahon
Pag-ibig ko sa ‘yo ay hindi nagbago
Dahil sa ika’y mahal pa rin, mahal pa rin

Hindi ko matanggap
Na ika’y mawala sa aking piling
Subalit kung dapat kalimutan
Yun ay aking gagawin

Chorus:
Ngunit ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin
Pilitin mang iwasan ka’y hindi ko magawa
Dahil ikaw pa rin ang sinisigaw ng damdamin
Kahit lumipas na ang ating mga panahon
Pag-ibig ko sa ‘yo ay hindi nagbago
Dahil sa ika’y mahal pa rin, mahal pa rin

Browse Other Mp3 Lyrics...

Leave a Reply

*
Music - Top Blogs Philippines