Makapiling Ka Sana
Artist: Dingdong Avanzado
Hindi pa rin nagbabago
Ang nadaramang ito
Ang ‘yong alaala’y ba’t di naglalaho
Sa puso’t isipan ko
Sa sandaling makita ka
Damdamin ay nagtataka
Magpahanggang ngayon
Ay ikaw pa rin sinta
At kung mayro’n ka nang iba
Patuloy din na aasa
Ganyan ang pag-ibig na para sa ‘yo
Sana ay mapansin mo na
Ang tunay na pagmamahal
Di ba’t laging nagtatagal
Kahit kailan pa man
Nasa puso ko’y ikaw
Chorus:
Pag-ibig ko’y ikaw, walang iba di mo ba nadarama
Ang tawag ng puso ay laging ikaw
Hanap ng mata’y lagi kang matanaw
Makapiling ka sana at makaulayaw
(Repeat 2nd stanza)
(Repeat Chorus 3x)

