Malayo Pa Ang Umaga

Artist: Aria Clemente

Malayo pa ang umaga
Kahit sa dilim naghihintay pa rin
Umaasang bukas ay may liwanag
Sa aking buhay umaga ko’y aking hinihintay.

Sadya kayang ang buhay sa mundo
Ay kay pait, walang kasing lupit
Kailan kaya ako’y di na luluha?
At ang aking pangarap ay unti-unting matutupad.

Refrain:
Malayo pa ang umaga
Di matanaw ang pag-asa
Hanggang kailan matitiis
Ang paghihirap ko
At sa dilim hinahanap
Ang pag-asa na walang landas
Kailan ba darating
Ang bukas para sa ’kin?

Repeat Refrain

Malayo pa ang umaga

Browse Other Mp3 Lyrics...

Leave a Reply

*
Music - Top Blogs Philippines