Maling Akala
Artist: Brownman Revival
May mga kumakalat na balita
Na ang misis ni kuwan ay madaling makuha
Bago maniwala, mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay sa maling akala
Nung ako’y musmos pa lamang ay takot sa multo
Nung ako’y naging binata, sa erpat ng syota ko
Ngayon ay may asawa, meron nang pamilya
Wala namang multo ngunit takot sa asawa ko
Refrain:
Di mo na kailangan mag-alinlangan
Kung tama ang gagawin mo
Basta’t huwag kalimutang magdahan-dahan
Kung di sigurado sa kalalabasan
Kalalabasan ng binabalak mo
Chorus:
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, dumadami
Hindi mo maibabaon
Sa limot at bahala
Kapag nabulag ka
Ng maling akala
Nasaan na ba ako, kaninong kama ‘to?
Ilang ulit na bang nagigising sa ibang kwarto
Naglayas sa bahay, akala madali ang buhay
Ngayon ay nagsisisi dahil di nakapagtapos
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus except last line)
May mga kumakalat na balita
Na ang kaligtasa’y madaling makuha
Bago maniwala mag-isip-isip ka muna
Marami ang namamatay
Sa maling akala
Sa maling akala, (Oh yeah)
Sa maling akala
Sa maling akala
Maliit na butas lumalaki
Konting gusot, gumagrabe
Hindi mo maibabaon
Sa limot at bahala
Kapag nabulag ka
Ng maling akala

