May Tama Pa Rin

Artist: Donna Cruz

Minsan lang ako umibig nang husto
Ito ay noong ako ay nasa piling mo
Ibang klaseng karanasan inaasam-asam
Iniisip, lagi na lang binabalik-balikan

Nananabik maisip lang ang yakap mo
Kahit saglit sa akin ay langit ito
Walang katulad na sarap laging pinapangarap
Iniisip, laging gustong balik-balikan

Chors:
May tama pa rin ako sa iyo
Sarap na naranasan hindi makalimutan
Sariwa pa rin sa ulo ko
May tama pa rin ako sa iyo
Tamis ng iyong labi sa isip nanatili
Nakalalasing kaya ito ako
May tama pa rin sa iyo

Kahit naagaw ka na ng iba
Kahit ako ngayon ay limot mo na
Sa isip ko kailanma’y di ka mabubura
Pag-ibig ko’y tumitindi patuloy pa

Walang katulad na sarap laging pinapangarap
Iniisip, laging gustong balik-balikan

(Repeat Chorus except last word)

May tama pa rin
May tama pa rin
May tama pa rin sa iyo

Related Song Lyrics...

Leave a Reply

*
Music - Top Blogs Philippines