Minsan Isang Araw

Artist: The Company

Di ka ba nangingiti
Pag naalala
Na minsan isang araw
No’ng tayo’y magkita

Di ko noon akalain na ikaw na pala
Ikaw pala’t ako
At minsan isang araw
Sasabihin ko sa ‘yo

Chorus:
Hinintay-hintay ka ng puso ko
Minahal-mahal ka sa isip ko
Dumating na pag-ibig ay ikaw
Nangyaring bigla no’ng minsan isang araw

Di ka ba natatawa
Pag naalala
Na minsan isang araw
Bigla mong nakita

Ang mga mata ko’y di na kumurap
Parang nangangarap
Na minsan isang araw
Puso mo’y makausap

(Repeat Chorus)

Kay sarap balikan
Isang araw minsan
Kay sarap balikan
No’ng minsan tayo’y nagmahalan

Hinintay-hintay pa ng puso ko
Minahal-mahal pa sa isip ko
Ang mahal mo ngayon ay hindi na ako
Ang nakakatawa’y iba na rin ang mahal ko

Hinintay-hintay pa ng puso ko
Minahal-mahal pa sa isip ko
Ang pag-ibig pala ay nagbabago
May mahal kang iba, iba na rin ang mahal ko

No’ng minsan araw
Nagbago isang araw

Related Song Lyrics...

Leave a Reply

*
Music - Top Blogs Philippines