Paalam Na Sa Yo
Artist: Ella May Saison
Bakit ko ba nagawa
Ang saktan ang puso mo
Ngunit di na kayang ilihim pa
Ang damdamin ko sa ‘yo
Sana’y hindi mo na
Inalam ang katotohanan
Di sinasadyang maglaho
Ang pagmamahal ko sa yo
Chorus:
(Ngunit) May ibang may-ari na
Ng pag-ibig ko
Ng pusong ito
Sana’y mapatawad mo
Unawain mo ang pusong ito
Paalam na sa ‘yo
Salamat sa lahat
Ng mga panahong alay mo
Di malilimutan na minsa’y
Ikaw at ako lamang oooh
(Repeat Chorus)
Ipagpatawad mo sana
Di ko nais masaktan ka
Hangad ko ay isang araw
Mapatawad mo rin ako
(Repeat Chorus)

