Parang Si Ely Buendia

Artist: Soapdish

Walang ibang makukumpara
Sa akin ay walang iba
Nagigitara sya maghapon
Kumakanta buong taon

Pati pa nga sa porma niya,
Pito ata Chuck Taylor nya
Pantalong kupas at punit
Matang naniningkit

Bokalista sya ng banda nila
May boses na mapapaibig ka
Halina tayo’y sumama
Nagigitara na
Kumakanta pa sya
Parang si Ely Buendia

Pangarap lang niya ay mapunta
Sa radyo, songhits ang kanta niya
Awiting ipagmamalaki
Kinakanta sa videoke

Bokalista sya ng banda nila
May boses na mapapaibig ka
Halina tayo’y pumila
Nagigitara na
Kumakanta pa sya
Parang si Ely Buendia

Madalas ko siyang pagmasdan (pagmasdan)
Naiinggit na rin kung minsan
Paano ka kaya natuto
Turuan mo ako, turuan mo ako

Dahil gusto ko na ring kumanta
Bibili na rin ng gitara (Ay)
Meron ng Chuck Taylor puti
At sabay kaway, sabay ngiti

Bokalista sya ng banda nila
May boses na mapapaibig ka
Halina tayo’y pumila
Nagigitara na
Kumakanta pa sya
Parang si Ely Buendia

Nagigitara na
Kumakanta pa sya
Parang si Ely Buendia
Nagigitara na
Kumakanta pa sya
Parang si Ely Buendia (Parang si Ely)
Si Ely…

Browse Other Mp3 Lyrics...

Leave a Reply

*
Music - Top Blogs Philippines