Pinakamamahal

Artist: Aiza Seguerra

Pinakamagandang panaginip ko’y ikaw
Isang magandang bukas na ngayo’y natatanaw
Pinakamagandang pangarap ang tayo’y magkasama
Sa isang mundong sa aki’y pinaka-maganda

Refrain:
Pinakamamahal, pinakamamahal kita
Ligaya ka ng puso kong pinakamamahal ka
Ngayon lang umibig ng ganito
Ngayon lang may nagsabing pinakamamahal ako
Ligaya ka ng puso kong nagmamahal sa ‘yo

Pinakamatamis na pag-ibig ay ikaw
Ikaw ang natagpuan ng puso kong di naligaw
Pinakamagandang nangyari ang tayo’y nagkasama
Sa isang mundong sa aki’y pinakamasaya

(Repeat Refrain)

Ngayon lang umibig ng ganito
Ngayon lang may nagsabing pinakamamahal ako
Ligaya ka ng puso kong nagmamahal sa ‘yo

Pinakamamahal ka
Nagmamahal sa iyo
Pinakamamahal

Related Song Lyrics...

Leave a Reply

*
Music - Top Blogs Philippines