Sa Aking Panaginip
Artist: Jennylyn Mercado
Di ko na kailangan pang ulit-ulitin na
Ikaw ang laging naroon sa puso’t isip ko
Sa bawat sandali naaalala ka
At di magagawang limutin ang katulad mo
Pagkat sa ‘yo natutong magmahal ang puso ko na
Ang pintig ay bakit nga ba laging ikaw…
Chorus:
Sa aking panaginip hindi ka nawawaglit
Kahit kailan pagmamahal para sa yo’y hanggang langit
At ang aking pag-ibig ay hindi magbabago
Dahil sa ‘yo may sikat at makulay ang aking mundo
Kung mawawalay sa ‘yo ay di ko nais pang
Mabuhay nang tuluyan at laging nag-iisa
Mayrong hinihiling ang puso’t damdamin
Na bawat sandali sana’y laging kapiling ka

Repeat Chorus