Sino Ba
Artist: Brownman Revival
Ang layu-layo ng iyong mga tingin
Akala mo ba’y di ko to napapansin
Kulang na ng sigla ang mga ngiti mo sa akin
Higpit ng iyong yapos ay wala na rin
Refrain:
Pwede ba, sinta ‘wag nang ipagkaila
Pwede ba, ‘wag mo naman akong gawing tanga
Chorus:
Sino ba, sino’ng salarin?
Tinangay ang puso’t damdamin
Tanong ko sino ba, sino ang salarin?
Na nanamasa sa dati-rati’y akin
Ang layu-layo ng laging nilalakbay
Panunuyo’t pagdalaw ay walang humpay
Lahat ng ito, nawalan na ng saysay
Salarin naman, o kay-husay-husay
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)
(Ad Lib)
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)
Sino ang, sino’ng salarin?
Tinangay ang puso’t damdamin
Tanong ko sino ba, sino ang salarin?
Baka pwede kang ibalik sa akin

